Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dinukot na kamag-anak ni Mayor Loreto Cabaya; nakalaya na

Written by: Written by: Rhoderick BeƱez
(Aleosan, North Cotabato/January 20, 2012) ---Nakalaya na kahapon alas dose a-biente ng madaling araw mula sa kamay ng kanyang mga abductors ang kidnap victim na dinukot sa bayan ng Aleosan, North Cotabato, noong buwan ng Nobyembre ng nakaraang taon.

Ang kidnap victim ay kinilalang si Romy Cabaya, isang estudyante at residente ng Aleosan North Cotabato.

Sa pamamagitan ng effort ng kanyang pamilya, pinalaya si Cabaya.

Ayon naman kay Crisis Management Committee Spokesperson Tata Hillado, na eksaktong dalawang buwan na kahapon nang dukutin si Cabaya noong a-19 ng Nobyembre ng nakaraang taon.

Nasa piling na ng kaniyang mahal na pamilya at kasalukuyang sumasailalim sa debriefing, ang nasabing kidnap victim

0 comments:

Mag-post ng isang Komento