Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

GSIS Pensioners muling pina-alalahanan hinggil sa pagtanggal ng ARAS

Written by: Aida Agad dela Cruz

Koronadal City, Jan202012 (PIA) – Muling pina-alalahanan ng Government Service Insurance System (GSIS) General Santos City Branch ang lahat ng mga pensioners ng rehiyon na maaari ng hindi na sila pumunta at pumila sa GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS ) kiosks para lamang sa Annual Renewal of Active Status (ARAS).

Ito ayon sa tanggapan ni GSIS General Santos City Branch manager Ma Celia Vega ay kasunod ng paalala ni GSIS president and General Manager Robert G. Vergara sa lahat ng mga pensiyonado kasabay ng pagpanumpa nito sa katungkulan ng mga opisyales ng Philippine Government Retirees Association (PGRA) noong nakalipas na linggo.

Ipinaliwanag ng staff ni GenSan branch manager Vega na patuloy ang kanilang pagpapatupad ng pag-aalis ng ARAS na sinimulan noon pang May 1, 2011.

Dagdag pa nito ang GSIS umano ay lalo pang pinalakas ang pakikipag-ugnayan sa National Statistics Office (NSO) at Local Civil Registry (LCR) upang ma-beripika ang totoong estado ng bawat pensioners.

Ipinapa-alam din ng GSIS na mahigit 500 dagdag na kiosk ang ikinalat noong nakalipas na taon sa buong bansa upang mapagsilbihan ang lahat ng mga pangangailangan ng mga pensioners lalo na ang pag-check nang kanilang mga records at pag-file ng loans.

Ito umano ay bahagi ng commitment ng bagong pamunuan ng GSIS na makapagbigay ng maayos at magandang serbisyo sa mahigit 1.7 miyembro at pensioners nito sa buong bansa.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento