Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Scholarship, Philhealth at Financial Assistance; tinututukan ng Provincial Government

Written by: Jara Dominique Llemit

(Kabacan, North Cotabato/January 18, 2012) ---Kaugnay sa proyektong pamimigay ng vegetable seeds na kabilang sa programa na serbisyong totoo ni North Cotabato Governor Lala talino Mendoza ay mamahagi pa ang Governor ng Scholarship at Philhealth and Financial assistance program sa probinsya ng North Cotabato.

Ang nasabing Scholarship at Philhealth and Financial assistance program ay tinalakay kahapun ni Sr. Allan Montrales ang focal person of scholarship ni Governor Mendoza sa nangyaring pamimigay ng vegetable seeds sa gym ng municipyo ng Kabacan.

Ipamamahagi ni Mendoza ang 600 plus scholarship sa anak ng mga magsasakang hindi kayang tustusan ang kanilang anak na mag aaral sa kolihiyo.

Ayon kay Montrales, ibbigay ang naturang scholarship sa karapat dapat na istudyante lalong lalo na sa estudyanteng pursigidong makapag aral at makapag tapos na hindi kayang tustusan ng mga magulang nito. At ang Philhealth and Financial assistance program ay isang tulong na ibibigay sa mga higit na nangangailangan.

Para sa aplikasyon ng nasabing scholarship ay pumunta lamang sa ABC Hall sa munisipyo ng Kabacan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento