Written by: Virgilio Abatayo
(Matalam, North Cotabato/January 18, 2012) ---Magsasagawa ng mass rabies vaccination sa pangunguna ni Dr. Wilfredo V. Juloya Jr. isang betirinaryo na gagawin sa Poblacion Matalam, Cotabato ngayong darating na Huwebes January 19 taong kasalukuyan.
Ayon kay Dr. Juloya Jr. layunin ng naturang programa na mapangalagaan at mapabakunahan ang mga alagang aso laban sa sakit na ito.
Dagdag pa niya, dapat na maging dog responsible owner ang isang nag-aalagang aso.
Aniya, dapat pakainin ito sa tamang oras, bigyan ng magandang tirahan at pabakunahan.
Para sa mga dog owner, dalhin niyo lamang ang inyong mga alagang aso na may edad tatlong buwan pataas sa mga designated area kung saan may nagsasagawa ng bakuna.
Samantala, magkakaroon ng Operation Askal Team o panghuhuli ng mga galang aso ang Matalam PNP ngayong darating na January 23 hanggang sa Febuary 3 taong kasalukuyan sa Poblacion Matalam, Cotabato.
Layunin ng naturang programa na mahuli ang mga gumagalang aso dito sa bayan ng Matalam.
Ang mahuhuling aso ay iimpound sa Matalam PNP. Makaraan ng limang araw na hindi matubos ng may ari ang kanyang alagang aso, ay papatayin na ito gamit ang gas chamber o pagsunog nito sa naturang aso.
Ang programang ito ay sa pakikipagtulungan ni Dr. Enrico P. Garzon Jr. at nang office of the municipal mayor.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento