Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Water hyacinth handicraft; pinagkakaabalahan ngayon ng mga residenteng ng isang brgy ng Kabacan

Written by: Karol Jane Geolingo

(Kabacan, North Cotabato/January 20, 2012) ---Inumpisahan na ang pagdedevelop at paggawa ng water hyacinth handicraft sa Brgy. Cuyapon, Kabacan, Cotabato

Ang programang ito ay pinangungunahan ng waiver’s association ng naturang barangay. Kung saan sila ay gumagawa ng iba’t-ibang handicraft tulad ng bag, basket, tsinelas at mga sumbrero na gawa sa water lily. Kung saan, kilala din ang naturang halaman bilang environmental friendly plant.

Ang naturang programa ay ginagawa sa Brgy. Cuyapon dahil ditto lamang makakakita ng maraming water lily ditto sa bayan. Ayon pa sa mga resedente doon, isa sa mga dahilan ng pagbaha sa kanila ay ang pagtumpok-tumpok ng mga water lily na dahilan ng hindi pag-agos ng mabuti ng tubig.

Ang gumagawa ng mga nasabing produkto ay ang mga kababaihan, kabataan, at pati ang mga tatay ng naturang barangay. Kung saan sila ay binigyan ng pagsasanay ukol sa paggawa ng mga handicraft ditto sa USM na isinigawa ng Villar Foundation.

Ang layunin ng programang ito ay upang matulungan at mabigyan ng trabaho o pinagkakaabalahan ang mga resedente lalung-lalo sa kanilang pamumuhay.

Ayon naman sa presidente ng waiver’s association sa Cuyapon na si Andres Gargabite, imbes itapon o patayin ang water lily, mas mapapakinabangan nila ito, dagdag pa niya, dahil sa water lily, magkakapera ka na, makakatulong ka pa sa kalikasan.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento