Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BRUTAL NA PAMBUBOGBOG SA MENOR DE-EDAD AT DEMOLISYON, KINONDENA NG MILITANTENG KABATAAN!

(Kabacan, North Cotabato/January 12, 2012)- Mariing kinondena ng grupo ng mga kabataan at estudyante ang brutal na demolisyon at pambubogbog sa isang menor de-edad ng sumalakay ang demolition team ng lokal na gobyerno ng San Juan kasama ang bata-batalyon ng mga pulis, SWAT at militar sa Barangay Corazon de Jesus sa lungsod ng San Juan.
Daan-daang maralitang residente ng Brgy. Corazon de Jesus sa San Juan City na natulog sa kalsada matapos muling brutal na salakayin ng demolition team at mga kapulisan ang nasabing komunidad.

Di bababa sa 31 ang sugatan, dalawa ang seryoso, ayon sa Health Alliance for Democracy (HEAD), sa pananalakay ngdemolition team at pulis. Di pa kasama rito, ayon sa HEAD, ang mga bata, matatanda at iba pang nasulasok ng pinasabog na tear gas ng mga pulis.

Ayon kay Darwin Rey Morante, tagapagsalita ng grupong ANAKBAYAN hindi diumano usapin ng legalidad ang pananatili ng mga maralitang tagalungsod sa San Juan kundi usapin ito ng kahirapan na sa matagal na panahon ay pinabango ng mga dayuhan at lokal na naghaharing uri.

Aniya, meron ka ngang gobyerno pero mismo ang gobyernong ito ay tinatanggalan ka ng bubong sa sarili mong tahanan.

Dahil diumano sa brutal na demolisyong ito, tanging iilang makapangyarihan at mayaman lamang ang nakatitiyak na may lugar sila — sa mga gusaling itatayo mula sa winasak na tahanan ng mga residente ng Brgy. Corazon de Jesus.
Ang militanteng grupo ng mga kabataan at estudyante ay nakatakdang bitbitin ang isyung ito sa nalalapit na paggunita ng makasaysayang Pambansang Linggo ng mga Kabataan o National Youth Week.
Isang malaking mobilisasyon ang ikakasa ng mga kabataan ngayong darating na ika-26 ng buwan upang irehistro ang kanilang pag-alsa sa kasalukuyang kaayusan ng lipunan at muling pag alabin ang diwang nasyonalismo ng kabataang Pilipino.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento