Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/January 20, 2012) ----Agad na tinalakay sa Sangguniang bayan kahapon ang extension para sa aplikasyon ng renewal ng business permit at license na hanggang February 24 na lamang.
Ito ay para mabigyan pa ng sapat na panahon ang mga negosyante ditto sa bayan ng Kabacan para sa nasabing obligasyon.
Nabatid mula kay Kabacan Vice Mayor Pol Dulay na, itinakda kasi ng LGU Kabacan ang huling registration na hanggang January 23 subalit matumal pa ang mga nagparehistro at nag pa renew, ayon sa report.
Samantala, kabilang sa napag-usapan sa naganap na sisyon kaninang umaga ng Sangguniang Bayan ay ang mga illegal na terminal dito sa bayan ng Kabacan.
Ito ay ayon sa report ni ABC President Herlo Guzman na may mga terminal umano na wala sa lugar lalo na sa mga pampasaherong van, multicab.
Sinabi pa ni Guzman, na may mga dispatser umano na tumatambay sa National Highway at kapag makahanap na ito ng mga pasahero ay daliang cocontact ng mga striker na sasakyan nang sa ganun ay makakakuha ng pasahero ng di na naghihintay sa terminal.
Tinukoy pa ng opisyal ang nasabing lugar ay ang nasa National Highway partikular umano sa harap ng almas at ng mercury drug store.
Ang nasabing isyu ay muling tatalakayin sa susunod na session ng Sanggunian.(with report from Jara Dominique Llemit)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento