Written by: Karol Jane Geolingo
Isinagawa ngayong araw ang comprehensive land use planning validation seminar sa municipal hall ng kabacan, kung saan ito ay dinaluhan ng iba’t ibang sector ditto sa bayan.
Ang naturang seminar na ito ay ukol sa ipinapatupad na RA 7160 sa ilalim ng local government code 1991. Kung saan ang C.L.U.P ay binubuo ng tatlong volume.
Ang unang volume ay tungkol sa comprehensive land use planning, nasa volume 2 naman ang zoning ordinance and implementing at pangatlong volume naman ang existing situation problems indentified & intervention by sector.
Ayon kay zoning administration Florida Sabutan, ang layunin nang naturang seminar na ito ay upang mapaundlad at maisaayos ang bayan ng kabacan. At upang mapag-alaman din ang mga ginagamit na lupa, lalong-lalo na ang lupaing pang-agrikultura dahil sa kilala ang kabacan dito sa North Cotabato bilang rice granary. dagdag pa niya ang programang ito ay para sa bawat munisipalidad kaugnay ang mga sangguniang bayan sa buong bansa.
Kaugnay dito, matiwasay na natapos kanina ang pamimigay ng ibat- ibang klaseng vegetable seeds dito sa bayan ng kabacan na ginawa sa municipal gym, kung saan namigay ang provincial government ng 262 packs ng sari-saring vegetable seeds, kung saan isang ballot sa bawat benepisyari nito.
Dumating din ang executive assistance ni Governor Mendoza na si Dr. Teodora casipe. Nagparaffle din sila kung saan namigay sila ng limang piko, sampong pala, mga sombrero at mga kalendaryo sa mga magsasaka, kabataan at kababaihan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento