Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Libu-libong halaga ng pera natangay sa isang establisiemento sa Kabacan, Cotabato

Written by: Rhoderick BeƱez

Kabacan, North Cotabato/January 17, 2012) ---Abot sa P310,000.00 ang natangay ng di pa nakilalang mga salarin sa Western Union, na nasa Rizal St., National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato partikular sa harap ng Pinpin enterprises.


Batay sa report ni Jieger Berdin mula sa Kabacan PNP, na siya ring manager ng nasabing establisiemento, nangyari umano ang nsabing insedente dakong alas 8:00 hanggang alas 10:00 kagabi, pwersahan umanong sinira ng salarin ang likurang bubong ng C.R. ng nasabing Western Union upang gawing entrance point.

Matapos hinalughog ng suspetsado ang buong opisina at nilimas ang mga cash ay mabilis namang tumakas ang suspetsado sa di pa malamang direksiyon.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang naturang pagnanakaw habang naghigpit na rin ng seguridad ang nasabing establisiemento. (with report from DXVL News researcher Jara Dominique Llemit)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento