Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pastora sa Makilala nangangamba ang buhay matapos pagdudahang isang ‘mangkukulan’ matapos idinadawit ito sa pagpatay ng isang opisyal ng brgy Malongon

Pinagbabantaan ngayon ang isang pastora ng isang religious congregation na taga-Barangay Malongon, Makilala matapos matapos pinaghihinalaang “Mangkukulam” o ‘mambabarang” sa kanilang lugar.

UNA nang pinagtangkaan ang buhay ni Beanita Merced, noong nakaraang Enero, nang paputukan ng 12-gauge shotgun ang kanyang bahay.
          
Maliban dito, nakatatanggap din umano siya ng mga pagbabanta sa buhay niya mula sa kanyang mga kapitbahay.

Una ng sinabihan ng kanyang mga kaibigan ang pastora na lumayas na lang sa kanilang barangay para ‘di malagay sa alanganin ang kanyang buhay.
          
Si Merced ay pinagdudahan na isang ‘mangkukulam’ o ‘mambabarang’ sa wikang Cebuano. Nagsimula ang lahat nang sabihin ng isang manggagamot o albularyo na taga-Davao City na ang pamilya ni Merced ang umano’y responsable sa pagkamatay ng isang opisyal ng barangay ng Malongon.
          
Namatay ang naturang opisyal noong nakaraang Disyembre.
          
Pero batay sa hospital records, namatay ang naturang lalaki dahil sa sakit sa puso at hindi dahil sa kulam. Ayon kay Merced, dahil sa galit ng pamilya ng naturang opisyal, pina-hunting siya ng mga ito.
          
Kaugnay nito, nanawagan si Merced sa mga awtoridad na tiyakin ang kanyang seguridad dahil wala naman siya’ng kinalaman sa kamatayan ng kahit na sino’ng tao.
          
TINIYAK rin ni Datu Jaime Udo ng Federation of Tribal Chieftains in Makilala na poprotektahan nila ang seguridad ni Merced na isa nila’ng miyembro.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento