Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...


07:05AM

2 katao arestado dahil sa pagdadala ng illegal na droga sa Kabacan, Cotabato

Kulungan ang bagsak ng dalawa katao makaraang mahuli ang mga itong nagdadala ng pinaniniwalaang illegal na droga noong Sabado sa Kabacan, Cotabato.

Batay sa report ng Kabacan PNP sa pamumuno ni P/Supt. Joseph Semillano ang nasabing operasyon ay bilang kampanya ng mga otoridad laban sa paggamit ng illegal na droga.

Kinilala ng Kabacan PNP sa pangunguna ni MESPO SP04 Enrique Cadiz ang suspetsado na si Ricky Estolas Belonio, 41, walang asawa at residente ng Malvar St., Poblacion ng bayang ito.

Nakuha mula kay Belonio ang isang heat sealed plastic sachet na naglalaman ng white 
crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, nahuli ang suspek noong umaga ng Sabado sa Mantawil St., at corner Lapu-lapu St. Poblacion.

Noong Sabado din ng hapon, nahulin ang suspek na nakilalang si Anthony Lopez Macabeo, 33, walang asawa at residente ng Poblacion 4, Midsayap, Cotabato ng illegal na droga na pinaniniwalaang shabu.

Nakuha mula sa suspek ang isang piraso ng beat sealed plastic big sachet na naglalaman ng white crystalline na pinaniniwalaang shabu, isang pirasa ng plastic small sachet na naglalaman din ng ipinagbabawal na droga at isang beat disposable lighter.

Agad namang itinurn-over sa investigation section ang mga narekober na item, habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento