Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

07:13PM

Plantasyon ng Oil Palm sa Kabacan, Cotabato; hindi na rin pinalagpas ng mga umaatakeng daga

Kinumpirma ngayon ni Agricultural Technologist at report Officer Tessie Nidoy ng Kabacan Municipal Agriculture Office na hindi lamang mga palay at mais ang inaatake ng mga pesteng daga sa bayan ng Kabacan, maging ang oil Palm plantation sa bayan ay inatake na rin ng mga ito.

Pati umano oil palm ay inaatake na rin ng daga dahil umano sa manamis-namis na lasa ng bunga nito.

Ayon kay Brgy. Salapungan Kapitan Aladin Mantawil halos anim na pung porsiento ng kanyang oil palm plantation na abot sa sampung ektarya ang inatake na rin ng mga daga, damay din maging ang oil palm plantation ng kanyang kamag-anak na si dating ex-councilor Cedric Mantawil.

Tinatayang mahigit dalawang daang mga magsasaka naman ang naitalang inatake ang kanilang mga sakahan at taniman.

Aminado naman si Nidoy na malaki ang epekto nito sa produksiyon sa sektor ng agrikultura.

Kung dati, sa isang ektarya ay aabot ng 4.4 tons per hectare, ngayon nasa average na lamang na 3.3 tons per hectare ang naani ng mga magsasaka, batay sa record ng MAO-Kabacan. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento