Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

06:12

Opisyal ng Kabacan nakatanggap ng bomb threat ngayong umaga

Agad na ipinakalat kaninang umaga ang mga kasapi ng intelligence, sundalo at K9 units kasabay ng pagka-alerto ng mga pulisya sa bisinidad ng municipal compound ng Kabacan makaraang makatanggap ng bomb threat ang isang opisyal ng bayan.

Ayon kay vice Mayor Pol Dulay ang bomb threat ay mula sa isang text message na hindi nagpakilala.

Tumanggi munang ihayag ng opisyal kung sinu ang target ng nasabing pagbabanta habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pangyayari.

Kaugnay nito agad na itinaas ang alerto ng mga otoridad matapos na inireport din ang limang pasahero ng bus ang sugatan kabilang ang sundalo sa nangyaring pagsabog pasado alas 5:30 kaninang umaga sa Datu Paglas, Maguindanao.

Batay sa report Hinihinalang mga tauhan umano ng tinaguriang Alkhobar terror group ang nasa likod ng pagsabog ng improvised explosive device (IED).
Sinabi ng tagapagsalita ng 6th Infantry Division na si Col. Prudencio Alto, matagal ng tumatanggap ng pagbabanta ang Grand bus at iba pang kompaniya subalit hindi pinagbigyan ang hiling na "protection money."
Matapos ang pangyayari kinordon ang lugar kung saan sumabog ang bomba habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento