06:15PM
Napipintong pagtaas ng power rate o bayarin sa kuryente; ipapaliwanag ng Cotelco sa isasagawang public consultation
Noon pang taong 2004 ang huling pagtaas sa power rate ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco sa kanilang distribution rate adjustment, ayon kay Cotelco spokesman Felix Canja.
Giit pa ni Canja na sa kabila ng naging malaki ang epekto ng inflation sa mga pangunahing bilihin at maging sa presyo ng gasolina sa mga nakalipas na taon ay hindi pa rin nakapagpapatupad ng pagtaas sa singil ng kuryente ang Cotelco.
Sinabi pa nito na kung may nararamdaman man tayong paggalaw sa presyo ng kuryente ito sa generation at transmission lamang at wala pang kinalaman dito ang adjustment sa tariff.
Ito rin ang dahilan kung bakit ipinatawag ng nasabing pamunuan ang Energy Regulatory commission o ERC para i-evaluate nito na kailangan na ng cotelco na magpatupad ng pagtaas sa bayarin sa kuryente.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento