Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

06:10PM


“PEACE POND” Project sa Midsayap, Pinasinayaan ni Governor Lala Taliño-Mendoza

Kamakailan ay inilunsad sa bayan ng Midsayap ang PEACE POND projects ng mga nagkaisang ahensya na kinabibilangan ng 40th Infantry Battalion ng Philippine Army, Provincial Government of Cotabato na pinamumunuan ni Governor Lala Mendoza, Municipal Government of Midsayap, World Food Programme, Magungaya Foundation at Asia Foundation.

Ang PEACE POND ay nangangahulugang palaisdaang pangkapayapaan at ito ay isang alternatibong livelihood project para sa internally displaced persons sa mga conflict affected areas ng lalawigan upang isulong ang peace process.

Ayon sa report ni Agricultural Technologist Ruel Villanueva, ang mga beneficiaries ng proyektong ito ay ang mga residente ng labintatlong barangay sa paligid ng Liguasan Marsh sa bayan ng Midsayap.

Nagsagawa ng isang araw na training ang Office of the Provincial Agriculturist – Fisheries Division patungkol sa Pangasius culture. Ito ay pinangunahan ng mga Fisheries aquaculturists na sina Ernesto Petros, Jeralyn Magbanua, Jonathan Bayaron, Ebrahim Balawag at Abdulmuin Pananggulon. Ito ay isinagawa sa unang tatlong barangay ng Kadingilan, Mudseng at Kapinpilan na pawang sa bayan ng Midsayap.

Nagkaroon din ng fish stocking ng humigit-kumulang sa 1,500 piraso ng Pangasius fingerlings sa Kapinpilan demo pond na sinundan ng pagpapasinaya ng PEACE POND project sa pangunguna ni Governor Mendoza kasama sina Mayor Rabara ng Midsayap, Mayor Cabaya ng Aleosan, Ms. Junalyn Sumlay – ang Executive Director ng Magungaya Foundation at ilan pang representante ng iba pang organisasyon.

Ito ay bahagi pa rin ng “Serbisyong Totoo” program ng Provincial Government para sa mga mamamayan ng Cotabato.

Para sa karagdagang impormasyon patungkol sa aquaculture training ay magtungo lamang po kayo sa Fisheries Division ng Office of the Provincial Agriculturist, Amas, Kidapawan City o tumawag sa telepono bilang 278-7019.
  

0 comments:

Mag-post ng isang Komento