08:05AM
KABATAANG MANUNULAT, MAKIKIISA SA PAMBANSANG KILOS-PROTESTA
Kabacan, North Cotabato- Makikiisa ang grupo ng kabataang manunulat ng pamantasan ng katimugang Mindanao sa ilulunsad na pambansang kilos protesta ng mga kabataan ngayong araw laban sa pagtaas ng matrikula, pasahe at iba pang mga pangunahing serbisyo at bilihin.
Upang ipaglaban ang karapatan sa edukasyon at serbisyong panlipunan----ang grupo ay nakatakdang maglibot sa buong kampus ngayong araw upang mangalap ng mga pirma sa bawat estudyante na tutol sa mga nasabing usapin.
Ayon kay Krisha Faye Ambol, tagapagsalita ng College Editors Guild of the Phillipines (CEGP) North Cotabato “Habang ang bawat magulang ay patuloy sa paghahanap ng paraan upang makaraos sa ilalim ng matinding pagtaas ng mga batayang komodite, ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin ay muling maghahatid sa bawat pamilya sa sulok ng walang kaseguruhan, PMA (pahinga muna anak) ang kasalukuyang kalakaran sa bansa at ito ay di imposibleng lumala kapag tuluyang naipatupad ang mga pagtaas ng mga pangunahing serbisyo at mga bilihin.”.
Ikinabahala rin ng grupo ang sunod-sunod na pagtaas ng pasahe, mga pangunahing serbisyo at bilihin na diumano ugat dahilan ng patuloy na pagkakatali ng sambayanang Pilipino sa kahirapan.
“Isang napakalaking dagok na naman ang kakaharapin di lamang ng mga estudyante kundi maging ng mga mamamayang Pilipino sa mga di makatarungang pagtaas ng mga bilihin at pangunahing serbisyo sa ilalim ng liderato ni PNoy taliwas ito sa kanyang mga pahayag na ang kanyang tunay na amo ay ang sambayanang Pilipino.
Ani Ambol, hindi rin umano hiwalay ang kasalukuyang krisis na natatamasa ng mga guro sa bansa lalo’t higit ng mga guro nitong pamantasan,aniya, patuloy ang pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin samantalang nananatiling nakapako naman ang mga sahod nito sa napakababang halaga kahit umano mga benepisyo na sana’y malaking tulong sa mga ito ay palaging atrasado.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento