Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

06:07PM

5 sugatan sa pagsabog ng bomba sa Maguindanao

Sugatan ang limang pasahero ng Grand  Transit Bus  na may biyaheng  Tacurong Davao City matapos  na mahagip ito ng isang roadside bomb dakong alas 5:45 ng umaga sa national hiway  ng boundary ng barangay Alip Datu Paglas at Barangay Kayaga  Pandag  Maguindanao..

Kinilala   ang mga sugatan na sina Zoren  at  Fatima Madidis  kapwa nakatira sa  sa Datu Paglas,  Campua Abdul 50 anyos, Inspector ng Bus,  Albert Castro 27 anyos  Conductor at Jovelyn Pag-Ong 20 anyos  na  taga Tagum City…Silang lahat ay naisugod naman sa   Sorella hospital sa bayan ng Tulunan North Cotabato.

Ayon police insp.Marlon Silvestre  ang chief of police ng Datu Paglas PNP, nagmula umano   ang Bus sa Tacurong  City  at papunta sana ng   Davao City nang pagsapit   sa nasabing lugar  ay bigla na lamang daw sumabog   ang bomba.

Sa ginawang  inbestigasyon ng EOD Team nabatid na isang 60mm  mortar ang ginamit  sa insedente habang  blanco parin sila  kung sino  ang nasa likod ng paglalagay  ng bomba.
      

0 comments:

Mag-post ng isang Komento