Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

07:25PM


Ilang mga mahihirap na sana’y benepisyaryo ng 4P’s sa ilang mga brgy sa Pagalungan, Maguindanao; hindi nakasali sa programa

Dismayado ngayon ang ilang mga residente ng Layuk, Pagalungan sa probinsiya ng Maguindanao matapos na karamihan sa mga nakasali sa programa ng gobyerno na “Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay diumano’y mga may kaya.

Ito ay ayon sa isang residente na nakapanayam ng DXVL News, ayon kay tatang na ayaw magpakilala, ibinulgar nito dito sa Radyo ng Bayan na karamihan umano sa mga nakasali sa 4P’s ay kamag-anak ng mga maimpluwensiyang pulitiko sa lugar.

Kaya panawagan nito sa kinauukulan na alamin ang kanilang totoong kalagayan.

Ang 4Ps program ay naglalayong matulungan ang mahihirap na pamilyang Pilipino na mapipili ng DSWD kung saan bibigyan ng tulong pinansiyal na gagamitin sa pagpapa-aral ng kanilang anak sa loob ng limang taon.

Ayon kay “Tatang”, imbes na sila ang bibigyan kasama ang ilan pang mga kababayan nitong naghihikahos sa buhay, mga may kaya umano ang naka-avail ng nasabing programa ng pamahalaan partikular sa brgy. Layuk, Pagalungan.

Kaya naman, agad naming idinulog ito sa pamunuan ng DSWD-ARMM at narito naman ang kanilang naging tugon.


Para sa inyong mga reklamo hinggil sa 4P’s Program, I-text ang 4P’s Space, pangalan slash, lugar slash ang inyong mga reklamo at ipadala sa 0918-912-2813.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento