Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

7:00AM

Pagtanggal ng armed group sa erya, nakikitang solusyon sa nangyaring kaguluhan sa brgy. Nangaan at Simone

Suportado ngayon ng lahat na mga stakeholders at ilang mga komite na nagmumula sa brgy. Nangaan at Simone ng bayang ito, kasama na ang grupo ng MILF at ng MNLF ang resolusyong pagtanggal ng armed groups sa kanilang erya.

Ito ay ayon kay 602nd Brigade, 7th Infantry Battalion Commanding Officer Col. Ceasar Sedillo matapos ang isinagawang konsultasyon at pag-buo ng win-win solution sa isinagawang Municipal Peace and Order Council Meeting kahapon (Feb. 28, 2011).
(insert tape Col. Sedillo)

Ayon sa opisyal pinangangambahan ng mga residente sa lugar ang presensiya pa rin umano ng grupo ng MILF at ng MNLF o yung tinatawag na armed groups.

Sa panahayag naman ni NAGRO Pres Alimin Sindao, may ilan pa rin umanong mga grupo ang kumukuha ng kanilang mga produkto sa brgy. Nangaan kagaya ng Niyog, Palay at Mais sa kabila ng presensiya ng militar sa kanilang erya.

Sa kabila ng paghupa ng sagupaan nagpapatuloy pa rin umano ang girian sa dalawang magkakalabang grupo dahilan kung bakit ipinatawag ni Kabacan Mayor George Tan sa pamamagitan ng special meeting ng MPOC ang lahat ng mga concerned stakeholders para mapag-usapan at matuldukan na ang nasabing kaguluhan sa lugar.

Kaugnay nito, inihayag ni MILF Panel chair Eid Kabalu na magsasagawa muna ng masinsinang imbestigasyon dahil may mga puno’t dulo umano ang mga problema na hindi nakikita at hindi nakalagay sa dokumento na ayon sa kanya ay may malaking papel na ginagampanan para makamit ang solusyon sa nasabing problema.


Sinabi pa ni Kabalu na kailangan munang mag-imbestiga at magbuo ng environmental peace sa lugar para makapagsimula.

Matapos ang ilang oras na diskusyon ay nakabuo na rin ang mga stakeholders ng solusyon at iminumungkahi dito na ipipresinta sa lugar ang development assistance sa tulong ng iba’t-ibang mga ahensiya at mga humanitarian services para sa ika-uunlad ng mga residente.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento