PNP, Army sa North Cotabato pinag-iingat ang mga motorista sa bagong modus operandi ng mga magnanakaw ng motorsiklo
Muntik na sanang matangay noong Sabado ang motorsiklo ng isang deputized agent ng Land Transportation Office sa Kidapawan City .
Dalawang lalaki – edad beinte hanggang beinte dos – ang umano nagtungo sa bahay ng LTO agent at pinagsabihan ang tiyahin nito na pinakukuha raw sa kanila ang motorsiklo niya.
Nagkataon namang wala sa bahay ang motorsiklo ng agent kaya’t di nakuha ng mga lalaki.
Agad inaalarma ng agent ang PNP at ang Task Force Cotabato sa bagong modus operandi ng mga magnanakaw.
Payo sa mga katulong na ‘wag basta-basta magpapasok ng mga estranghero sa bahay kahit sabihin pa nila na sila’y inutusan ng kanilang amo. Posible kasi na ito’y bahagi lang ng kanilang modus operandi.
Payo din ng PNP at Army sa mga may-ari ng motorsiklo na triplehin ang pagbabantay at pag-iingat sa kanilang mga sasakyan para walang pagkakataon ang mga magnanakaw na nakawin ang kanilang sasakyan.
Sa North Cotabato, abot na sa halos 40 mga motorsiklo ang natangay simula buwan ng Enero.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento