Ilang mga dumalo sa Multi-Sectoral Reproductive Health forum sa Kabacan; hati ang reaksiyon
Hati ang reaksiyon ng mga taong dumalo sa Multi-sectoral reproductive health forum na isinagawa ngayong araw sa USM gymnasium, Kabacan, cotabato.
Dito ipinaliwnag ni Gabriela Partylist Rep. Luzviminda Ilagan ang ilan sa mga magagandang dahilan kung bakit ipasa ang RH Bill.
Sinabi ng opisyal na sa pamamgitan ng nasabing panukala, mabibigyan ng proteksiyon ang kalusugan at buhay ng mga nanay, tinukoy din ni Ilagan na sa tamang agwat ng panganganak, mababawasan ang pagkamatay ng mga sanggol.
Giit pa nito na sa kanilang isinagawang pag-survey lumalabas na mas gusto diumano ng mga tao ngayon na mas maliit ang pamilya bunsod na rin ito ng kahirapan.
Kaugnay nito tinalakay din sa nasabing pagpupulong ang “Updates on responsible Parenting Movement Program” at maging ang maternal health scenario ng Region 12, tuloy-tuloy na rin ang programa habang kumakain ay isinasagawa naman ang open forum.
Dito binibigyan ng pagkakataong makapagtanong ang sinuman hinggil sa House Bill no. 4244.
Ang nasabing forum ay nagmistulang hamon sa mga nagsipagdalo dahil na rin sa matapang at may paninindigan na mensahe na hatid ng panauhing pandangal sa nasabing aktibidad na si Representative of Gabriela Partylist Hon. Luzviminda Ilagan.
Ang nasabing forum ay may layuning ma aprobahan ang naturang batas na nagsasaad ng tamang paggamit ng mga ibat-ibang contraceptives at tamang family planning. Ang forum ay napuno ng samot saring opinion, diskusyon at mga katanungan ng mga nagsipagdalo na karamihan ditoy estudyante ng pamantasan ng katimugang Mindanao .
Sinabi naman ni Population Information Officer 1 Junmar Gonzales na malaking tulong ang nasabing panukala subali’t sa kabuuan ang mag asawa pa rin ang masusunod.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento