DXVL (The Morning News)
September 22, 2011
Panibagong kaso ng pagdukot sa bata sa North Cotabato pinabulaanan ng PNP; missing child naitala sa Kabacan
NAPATUNAYAN ng mga imbestigador ng Kabacan Police na walang katotohanan ang itinawag na report na may dinukot na mag-aaral sa Barangay Kayaga sa bayan ng Kabacan, kahapon.
Ayon kay Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP, agad na tinungo ng mga tauhan niya ang Barangay Kayaga nang matanggap ang report. Maliban dito, nag-flash alarm din sila sa lahat ng mga istasyon ng pulisya na posibleng maging exit route ng mga kidnapper.
Pero ‘yun pala, isang malaking kalokohan lang ang lahat, ayon kay Semillano.
‘Di na rin tumawag sa PNP ang caller.
PERO habang ito’y nangyayari, tiyahin naman ang hanggang sa ngayon ay nag-alala kung nasaan na ang siyam-na-taong-gulang niya’ng pamangkin na noon pang Lunes, bandang alas-tres ng hapon, naiulat na nawawala.
Ayon kay Mrs. Daunding Piang, tiyahin ng biktima, iniwan niya lang sa kanilang bahay sa M.H. Pel Pilar St. , Purok Masagana, Poblacion dito sa bayan ng Kabacan ang bata. Pero pagbalik niya galing ng palengke, wala na roon ang pamangkin.
Batay sa pagsasalarawan ni Plang, ang missing child ay balingkinitan, maiksi ang buhok, at naka-stripe na kulay violet ang damit.
Hindi raw marunong magsalita ang bata, ayon kay Plang.
Nakita ang bata na sumakay ng Weena Bus na salungat naman sa pahayag ng ilan na umano huling namataan ang nawawalang bata sa may USM Avenue na may kasamang lalaki.
Sa ngayon, patuloy na nananawagan ang kanyang mga magulang at kamag-anak sa kung sinuman ang nakakakita kay Baby Lyn Andatuan, agad itext o itawag sa mobile phone numbers na ito: 0915-858-9373 o 0916-146-4573 o di kaya’y ireport sa Kabacan PNP.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento