September 22, 2011
Pinagdudahang asset ng NPA hinuli sa Magpet, grupo ng Karapatan, kinondena naman ang ginawa ng mga sibilyan
Ipinakulong ng mga sundalo ng 57th IB ang isang magsasaka na pinagdudahan nilang asset ng NPA sa bayan ng Magpet, North Cotabato .
Ayon kay Lt. Manuel Gatus, hepe ng civil military operations ng 57th IB, isang legitimate operation ang nangyari kahapon.
Sinundan umano ng tropa nina Gatus ang sibilyan hanggang sa ma-corner nila ito. At no’ng kumpiskahin nila ang celfon nito, nabatid na nagbibigay ng tip sa NPA tungkol sa presensiya ng mga sundalo sa erya.
Pero dahil sa wala namang nakuhang armas mula sa kanya ay agad din namang pinalaya ito.
Mariing kinondina ng KARAPATAN na isang human rights group ang ginawa sa sibilyan. Agad tinungo ng KARAPATAN ang detention cell ng Magpet PNP pagkatapos makarating sa kanila ang report patungkol sa pag-arestong nangyari.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento