Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek sa panununog sa isang Planta sa Makilala, North Cotabato natimbog!

(North Cotabato/ March 22, 2016) ---Bumagsak na sa kamay ng mga otoridad ang pangunahing suspek sa panununog sa isang Rubber Plantation na nasa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Ito ang nakarating na impormasyon kay 39th IB Civil Military Officer Capt. Danny Tapang makaraang maaresto ang suspek na kinilalang Joan Casamorin, Vice Commanding Chair ng Guerilla Front 72 ng Far South Mindanao Regional Committee ng New People’s Army o NPA.

Truck Vs. Motorsiklo; 1 patay

(Makilala, NORTH COTABATO/ March 21, 2015) ---Patay ang 49-anyos na backrider habang sugatan naman ang tatlo katao makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na Mitsubishi Drop-Side Truck sa brgy. Old Bulatukan sa bayan ng Makilala, North Cotabato, kamakalawa.

Dahil sa insidente nagkasalpukan ang dalawang mga sasakyan at tumilapon sa highway ang mga biktima na ikinamatay naman ni Jobel Calibay, 49-anyos ng Rodero Makilala na siyang back rider sakay sa isang Honda XRM motorcycle na minamaneho ni Ejay Elicot, 31 anyos na taga brgy. Old Bulatukan, Makilala.

Daan-daang mga Rubber Tress, nasunog sa nangyaring grassfire sa Mlang, North Cotabato

(Mlang, NORTH COTABATO/ March 21, 2016) ---Nilamon ng apoy ang daan-daang mga rubber trees makaraang masunog dahil sa tindi ng tagtuyot na nararanasan ngayon sa North Cotabato.

Batay sa ulat, nangyari ang sunog alas 3:00 ng hapon kamakalawa matapos na may isang residente ang nagtapon ng upos ng kanyang sigarilyo sa tuyong dahon at kahoy ng goma sa Barangay Pulang Lupa sa bayan ng Mlang.

Nanalo sa sugal, pinaslang

(North Cotabato/ December 15, 2015) ---Patay ang 37-anyos na babae na sinasabing nanalo sa sugal sa lamay  matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa bisinidad ng Pendatun Street, Barangay Poblacion sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng madaling araw. 

Kinilala ni P/Supt. John Miredel Calinga, hepe ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Manuela Cayetano Amador ng Quezon Boulevard sa nasabing lungsod.

Iwas Paputok Campaign Inilunsad ng RHU Kabacan sa KPCES

(Kabacan, North Cotabato/ December 15, 2015) ---Nagtipon-tipon ang mga estudyante mula Kinder hanggang Grade 2 pupils at mga magulang sa isinagawang Child Injury Forum o Iwas paputok campaign sa Kabacan Pilot Elementary School gymnasium kahapon ng umaga.

Ito’y kaugnay pa rin sa adbokasiya ng RHU-Kabacan ngayong taon na Aksyon: Paputok Injury Reduction o APIR.

Tinalakay sa mga estudyante ang mga hindi dapat gawin ngayong papalapit na ang kapaskuhan at bagong taon gaya ng paglayo sa mga taong nagpapaputok, huwag mamulot ng di sumabog na paputok, magpagamot agad kapag naputukan at iba pa.

Riding Tandem, patay sa pamamaril ng riding tandem criminals

(Kabacan, North cotabato/ December 11, 2015) ---Patay ang isang 50-anyos na lalaki ng pagbabarilin sa bahagi ng Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato pasado alas 4:00 ngayong hapon lamang.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Adin Macainas Manto, 50-anyos, taga Brgy. Manili sa bayan ng Carmen.

Batay sa ulat, naka-angkas ang biktima sa kanilang motorsiklo na minamaneho ng kanyang anak na kinilalang si Amid Manto, 18-anyos ng buntutan sila ng mga ‘riding criminals’ at pagbabarilin.

Galing sa Poblacion Kabacan ang mga biktima at pauwi na sa Brgy. Manili ng pagbabarilin ng mga suspek na sakay naman ng Bajaj motorsiklo at tumakas sa bahagi ng Carmen.

Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala sa kanyang katawan ang nakakatandang Mansul habang maswerte namang nakaligtas ang anak nito.

Naisugod pa sa bahay pagamutan ang biktima pero binawian din ito ng buhay.

Kalibre .45 na pistol ang ginamit ng mga suspek batay sa bala na narekober sa crime scene.

Rido ang isa sa mga anggulong sinusundan ng mga otoridad sa motibo sa pagpaslang. Rhoderick Beñez
 Rhoderick Beñez


Pagkumpuni ng pinabagsak na Tower ng NGCP, posibleng aabutin pa ng ilang araw

(North Cotabato/ December 11, 2015) ---Pinasabog ng mga di pa nakilalang mga suspek ang tower ng National  Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Sitio 1, Brgy. Pagangan sa bayan ng Aleosan lalawigan ng North Cotabato pasado alas 9:00 kagabi.

Sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan ngayong hapon kay PSI Jun Jinette Napat, hepe ng Aleosan PNP na partikular na pinasabog ang tower KS 68.

Napag-alaman na ito na ang pang-11 pagpapasabog sa transmission tower ng NGCP ngayong taon.

Mahigit sa 50 mga pamilya, hindi pa nakabalik sa kanilang tahanan matapos na maapektuhan sa nangyaring girian sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ December 10, 2015) ---Nasa 56 na mga pamilya ngayon ang apektado ng nagdaang tensiyon sa Sitio Saban, Barangay Maybula, Tulunan, North Cotabato ang hindi pa nakabalik sa kanilang tahanan.

Ito ang sinabi sa DXVL News Radyo ng Bayan ni Tulunan Mayor Lanie Candolada.

Ang nasabing mga bakwit ay pansamantalang nanunuluyan ngayon sa Brgy. Hall ng brgy. Kanibong.

Armadong grupo at magsasaka muling nagka-engkwentro sa Tulunan, North Cotabato; 6 patay

(Tulunan, North Cotabato/ December 9, 2015) ---Anim katao ang naiulat na namatay makaraang magkasagupa ang dalawang armadong grupo ng magsasaka sa Sitio Saban, Brgy. Maybula sa bayan ng Tulunan, North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng cotabato Police Provincial Office, dakong alas-11:45 ng umaga nang lusubin ng mga armadong grupo ang pamayanan ng mga magsasaka na abala sa pagtatanim sa palayan.

Mga listahan ng ipinagbabawal na paputok, inilabas na ng BFP Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 8, 2015) ---Muling naglabas ang BFP Kabacan ng listahan ng mga ipinagbabawal na mga paputok ngayong pasko at bagong taon.

Ayon kay SFO1 Sunny Tomas, OIC ng BFP Kabacan na kabilang sa mga ipinagababawal na paputok ay ang mga sumusunod nangunguna parin ang watusi at piccolo, sumunod ang super lolo, atomic triangle, large judas belt, large bawang, pillbox, boga, goodbye Philippines, bin laden, mother rockets, lolo thunder, coke-in-can, kwiton, atomic bomb, five star, pla-pla, Og, giant whistle bom, kabasi at iba pang unlabeled at imported na fire crackers.

Punerarya sa bayan ng Matalam, grinanada!

(Matalam, North Cotabato/ December 8, 2015) ---Isang granada ang sumabog makaraang ihagis ng mga di pa nakilalang suspek sa Collado Funeral Home sa bahagi ng Rotunda o roundball, na nasa National Highway, Poblacion, Matalam, North Cotabato ala 1:25 ng madaling araw kanina.

Sa impormasyong ipinarating ngayong umaga sa DXVL News ni SPO2 Froilan Gravidez, head ng operation ng Matalam PNP na tatlo ang nasugatan sa nasabing pagpapasabog.

14 na medalya, nasungkit ng delagado ng Cotabato sa Batang Pinoy 2015 National Games

(North Cotabato/ December 7, 2015) ---Abot sa 14 ang kabuuang bilang ng mga medalya na nasungkit ng mga atleta mula sa Cotabato Province sa katatapos lamang na National Games ng Batang Pinoy 2015 sa Cebu City Sports Complex, Cebu City mula Nov. 27-Dec 2, 2015.

Ayon kay Allan Matullano, Focal Person ng Cot Provincial Sports Coordinating Office, kabilang ang 1 gold, 2 silver at 2 bronze sa Karatedo; 1 gold sa Athletics-High Jump; 1 silver sa table tennis;  2 bronze sa Taekwondo; 3 silver at 1 bronze sa boxing at 1 bronze sa arnis.

Collector ng furniture, pinaslang!

(Arakan, North Cotabato/ December 7, 2015) ---Nakahandusay at wala nang buhay ang isang collector ng matagpuan ng mga residente matapos itong pagbabarilin sa Sitio Katindu, brgy. Malibatuan, Arakan, North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa impormasyong ipinarating ni PCI Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office kinilala ang biktima na si Dante Mara-Mara Pradera, 27-anyos na taga Purok Felomina, Calumpang General Santos City.

Love Triangle, isa sa anggulong sinusundan sa panibagong pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North cotabato/ December 7, 2015) ---Problema sa buhay pag-ibig ang sinusundang motibo ng Kabacan PNP sa pagpaslang sa isang lalaki habang kritikal naman ang kasama nitong babae matapos itong pagbabarilin sa Corner Roxas at Mantawil Street, Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 10:00 kagabi.

Sa impormasyong ipinarating sa DXVL News ni P/Sr. Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP kinilala nito ang nasawing biktima na si Loloy Sumalpong Bel, 34- anyos, na taga Roxas St. Poblacion habang ang sugatang biktima naman ay si Cherry Sumatra, 36 na taga Poblacion, Kabacan.

5 na sugatan sa pagsabog ng granada sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ December 5, 2015) ---Lima katao ang naiulat na sugatan sa pagsabog ng granada sa Rotonda area papuntang Palengke sa Poblacion ng Matalam, North Cotabato mag-aalas 11:00 kagabi.

Kinilala ni PCI Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang mga sugatan na sina: Macmod Kanacan, 24-anyos, isang drayber at residente ng Kilada, Matalam; Kensed Dilangalen, 32-anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Bulit, Datu Montawal, Maguindanao; Dan John Anam, 28-anyos ng Taguranao, Matalam; Geraldo Peralta Jr., 44-anyos, Poblacion, Matalam at isang Sharon Diaz Bolante, 35-anyos, negosyante at residente ng Poblacion sa bayan ng Matalam.