Kidapawan bishop kabilang sa mga naimbitahan para sa tatlong araw na dialogue sa pagitan ng MILF at ng ilang sekctor na ginawa sa Davao City
KABILANG si Bishop Romulo Tolentino Dela Cruz ng Diocese ng Kidapawan sa mga nakipag-dayalogo sa mga opisyal ng peace panel ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.
Ang dayalogo na umabot ng tatlong oras ay ipinatawag ni International Alert’s country director Francisco Lara. Ang International Alert ay grupo ng mga peace advocates na nagmo-monitor sa takbo ng pag-uusap sa pagitan ng gubyerno at ng MILF.
Maliban kay Bishop Dela Cruz, dumalo rin sa dayalogo sina Davao Archbishop Fernando Capalla; Cotabato Archbishop Orlando Quevedo, 72; Tagum Bishop Wilfredo Manlapaz is 70; at Davao Auxiliary Bishop George Rimando.
Sa panig ng MILF, ang dumalo ay sina MILF information chief at peace panel chair Mohaqher Iqbal; senior panel member Datu Michael Mastura; Prof. Abhoud Syed Lingga; at B’laan Datu Antonio Kinoc.
Pagkatapos ng mga Catholic bishops, kinausap na naman ng MILF ang mga business executives sa Mindanao . Sa Davao City pa rin ginawa ang naturang pag-uusap.
Ang mga business executives ay pinangunahan ni Mindanao Business Council chair Vicente Lao.
Layon ng mga pag-uusap na marinig ng MILF ang mga opinyon o posisyon ng iba’t ibang sektor sa Mindanao .
0 comments:
Mag-post ng isang Komento