DXVL Staff
...
Biyernes, Pebrero 18, 2011
No comments
Mga nasunugan sa Nangaan, Kabacan pansamantalang nanunuluyan sa multi-purpose building ng barangay
MAHIGIT isang daang pamilya ang nagsisiksikan pa rin sa multi-purpose building ng Barangay Nangaan, Kabacan.
Sila yaong mga nasunugan dahil sa giyera na nagsimula noon pang January 9.
Noong nakaraang Linggo, bumalik sila sa kanilang barangay.
Ang nakalulungkot nito, wala naman sila’ng mauwian na, dahil nga, sunog na ang kanilang mga bahay.
Sa data ng MSWDO, nabatid na abot sa 108 ang kabuuang bilang ng mga bahay na sinunog sa Nagaan.
Sa bilang na ito, 47 ang nasa Sitio Dangleg; 36 sa Sitio Tipaken; 15 sa Sitio Kibudta na malapit sa Pulangi river; pitong bahay sa Sitio Giwasaan; at tatlo sa Proper Nangaan.
Dahil dito, nagpasya ang Kabacan LGU na sa multi-purpose building na lamang ng Barangay Nangaan manirahan muna ang mga nasunugan.
Ang iba ay sa mga kamag-anak nila pansamantalang nanunuluyan.
Samantala, tuluy-tuloy rin ang tulong ng municipal government at ng iba pang ahensiya ng gubyerno sa mga biktima ng giyera sa Kabacan.
Noong Linggo at Lunes ay namahagi ng food at iba pang relief items ang Kabacan LGU sa mga nagsiuwiang bakwit.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento