Bayan ng Kabacan, malaki ang potensiyal sa turismo
Tiwala ang mga opisyal ng bayan ng Kabacan na malaki ang potensiyal ng bayan para sa turismo.
Kung mabubuo na ang kasalukuyang ginagawang Comprehensive Tourism Development Plan ng ng bayan, positibo umanong mapalago ang turismo sa lugar , ayon sa pahayag ni acting Tourism Officer Anthony Ryan Bantiling .
Kabilang sa mga tinukoy na magiging posibleng tourism spot ay ang Pisan Cave--na ayon sa mga pag-aaral ay may pinakamaraming species ng mga paniki (bat) at sa nasabing kweba makikita din ang kakaibang stalactite at stalagmites na aakit sa mga turista para bisitahin ang lugar.
Hindi lamang ang Barangay Pisan ang may kakaibang kweba kundi pati na rin ang Barangay Bannawag at Bangilan na pinaghahandaang i-develop ng pamahalaang lokal.
Ang Marshland din sa Barangay Cuyapon na mayroong mga migratory birds at Tarsier ang isa rin sa magiging potensyal sa turismo ng bayan.
Kaugnay ng planong pagpapalago ng bayan bilang tourism spot, agad na naghalal ng opisyal ang ilang mga concerned stakeholders mula sa mga kasaping Private sector sa bayan ng Kabacan. Nahalal ang mga sumusunod: President-Mr. Jabib Guiabar (Hotel & Convention Center); Vice President-Prof. Rogelio Mendoza; Secretary- Mrs. Prescy Balmores, USM Hostel; Treasurer- Mrs. Rowena Lopez, Moko Jo; PRO-Media/DXVL/Rhoderick Benez; Auditor-Mrs. Minda Ulangkaya (Al Fanar Café); Business Manager-Mr. Edwin Delos Santos (Orro Resto) at Mr. Haver Budoy (UVTC).
Tiwala ang mga bagong opisyal ng tourism council na malaki ang maitutulong ng turismo sa lugar lalo na sa taong bayan para mapalakas ang ekonomiya at kita ng bayan ng Kabacan. (Rhoderick Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento