Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sundalo, patay sa agaw-motorsiklo sa Pikit, Cotabato

(Pikit, Cotabato/ October 15, 2014) ---Agaw motorsiklo ang nakikitang dahilan ng mga otoridad sa pagbaril patay sa isang sundalo sa bayan ng Pikit, Cotabato alas 11:30 kahapon ng tanghali.

Batay sa ulat sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo at binabaybay ang daan ng brgy. Ginatilan ng ratratin ng di pa nakilalang suspek at tinangay ang sasakyan nito.

Sa report ng Pikit PNP kinilala ang biktima na si PFC Prenel Obeso, na naka destino sa Alpha Coy, 7IB, 6ID, PA.

Pinaslang ang biktima ng di pa nakilalang suspek gamit ang kalibre .45 na baril sa ulo na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon.

Malaki ang paniniwala ni Col. Noel Clement ang commanding officer ng 602nd Brigade na agaw motorsiklo ang motibo at hindi ang anggulong may kinalaman sa pagiging sundalo nito.

Matatandaan na isa ring estudyante ng I-LINK College of Science & Technology ng Midsayap ang inagawan rin ng motorsiklo sa bahagi ng Takepan ng nasabing bayan.

Patay din ang biktima na kinilalang si Michael De Ocampo, graduating automotive student ng nasabing paaralan ng pagbabarilin ng mga suspek.


Ito na ang ikalawang insidente ng agaw motorsiklo sa lugar pero ni isa sa mga suspek wala pang nahuli ang mga otoridad. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento