Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Estudyante, inutas

(Pikit, Cotabato/ October 13, 2014) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 19-anyos na College Student makaraang pagbabarilin sa Brgy. Takepan, Pikit, Cotabato alas 12:00 kahapon ng tanghali.

Sa report ng Pikit PNP kinilala ang biktima na si Michael Deocampo isang graduating Automotive student ng ILINK College of Science & Technology na binawian na rin ng buhay bandang alas 5:00 kahapon ng hapon.

Sinabi ni Punong Barangay Andrew Lumibao binabaybay ng biktima ang national highway pauwi ng ratratin ng mga di pa nakilalang mga suspek.

Dagdag pa nya na agaw motorsiklo ang motibo ng naturang kriminal.

Hustisya at katarungan naman ang sigaw ng pamilya ng biktima at ng pamunuan ng I-LINK College of Science & Technology sa naturang pangyayari. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento