Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang Hand Grenade, narekober sa harap ng bahay ng CFCST Pres

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 9, 2014) ---Nagdulot ng takot sa mga nakatira sa isang pamamahay nang iniwan ang isang Granada sa harapan mismo ng bahay ni CFCST President Dr. Samsudin Mulao sa Barangay Kayaga, Kabacan North Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon kay Police Superintendent Jordine Maribojo, Hepe ng Kabacan PNP, isang Sarah May Gonsang umano ang nakakita sa nasabing granada alas 5:45 am ng umaga at agad namang
nagsagawa ng operasyon ang pinagsanig na elemento ng BPAT, AFP, EOD team at Kabacan PNP.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang naturang pampasabog ay isinabit mismo sa harap ng pintuan ng bahay at ang safety pin nito ay nakatali ng wire at nakmumukhang sasabog talaga ito pag binuksan ang pinto.

Napag alaman naman ng mga otoridad na wala na itong blasting cup at wala na itong posibilidad na sumabog at idineklarang ligtas na ang lugar dakong alas 7:15 ng umaga.


Patuloy pa ngayong inalam ng Kabacan PNP ang motibo sa naturang insidente.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento