Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, nahulihan ng baril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, Cotabato/ October 14, 2014) ---Nahaharap sa kasong paglabag sa illegal possession of firearms ang isang 38-anyos na magsasaka makaraang mahulihan ng baril sa Rizal Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 8:30 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang nahuli na si Reynaldo Torres, residente ng Brgy. Malamote ng bayang ito.

Narekober mula sa suspek ang isang unit ng smith at Wesson caliber 22 magnum revolver.
Ang mga narekober na mga armas ay nakatakdang isailalim sa crime laboratory para sa gagawing pagsisiyasat.

Habang inihahanda naman ang kasong RA 10591 na hahahrapin ng suspek hinggil sa paglabag sa illegal possession of firearms.

Nahulu si Torres sa isinagawang oplan sita at operation kapkap bakal ng mga kapulisan sa mga pangunahing kalye ng poblacion, Kabacan.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento