Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mag-asawang NPA, sumuko sa gobyerno

(Magpet, North Cotabato/ October 16, 2014) ---Hindi na makayanan ng mag-asawa ang hirap at pagod sa pagtatago sa kabundukan kaya nagdesisyon ang mga ito na sumuko sa pamahalaan sa bayan ng Magpet, kamakalawa.

Kinilala ni 57th Infantry Battalion commanding Officer Col. Nilo Vinluan ang mga sumuko na sina Marco Engay, 39-anyos at Gina Calimpitan, 34 kasama ang kanilang menor de edad na anak.

Sumuko ang mga it okay Sgt. Morales ng 57th IB na nakabase sa Brgy. Imamaling sa bayan ng Magpet lalawigan ng Cotabato.

Tinagurian namang Papa at Mama Daku ang dalawa.

Sa salaysay ng dalawa, pinangakuan umano ang mga ito ng makaakliwang grupo ng P4,000.00 kada buwan para umanib sa kanila.

Kasama din ang mga ito sa umatake sa Police Station ng Pres. Roxas noong buwan ng Mayo.

Napag-alaman naman kay Vinluan na abot na sa 300 mga NPA ang sumuko kasama na ng kanilang mga armas mula pa taong 2013 at umaabot naman sa 101 na mga NPA ang sumuko na walang armas batay sa datos ng Eastmincom. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento