Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...



Naka-full alert ngayon ang pamunuan ng Kabacan PNP kasabay ng pagbubukas ng isang linggong selebrasyon ng 64th Founding Anniversary ng bayan ng Kabacan, ngayong araw.

Ayon kay Kabacan Police Supt Joseph Semillano, nakalatag na ang buong pwersa nila para tiyaking ligtas ang publiko sa isang linggo pagdiriwang ng kapiestahan.

Una rito, inihayag pa ng opisyal na may mga dagdag na ring augmentation ang kanyang patrol team para magbabantay sa mga dadausan ng aktibidad sa bayan at maging sa mga terminal at sa lahat ng mga matataong lugar.

May mga koordinasyon na ring silang isinagawa sa mga sundalo at sa mga Barangay Peace keeping Team.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Administrative Officer Cecilia Facurib na magiging panauhing pandangal at tagapagsalita si Cotabato Vice Governor Gregorio “Dodong” Ipong sa opening program ngayong araw. (Rhoderick Beñez)