(Kabacan,
Cotabato/June 15, 2012) ---Kinilala na ng kanyang kamag-anak ang bangkay na
nakitang lumulutang-lutang kahapon sa Pulangi river na nasa Sitio Lumayong
brgy, Kayaga, Kabacan, Cotabato.
Mismong
ang kanyang kapatid na lalaki na si Joel Coquilla Ybaya ang kumilala sa biktima
na si Virginia Coquilla Ybaya, 42 na residente ng Mascariñas, Kibawe, Bukidnon.
(Kabacan,
North Cotabato/June 15, 2012) ---Dahil sa pag-amin sa mababang kaso (lesser
offense) ng paglabag sa section 1 (d) ng Presidential Decree No. 1602,
hinatulan ni Judge Laureano alzate ng regional trial Court, Branch 22, Kabacan,
Cotabato si Elisa Lo ang ng apat na taong pagkakabilanggo.
Si
Ang ay hinuli ng mga pulis noong October 4, 20120 sa Mlang, Cotabato sa
paglabag RA 9287.
Nakumpiska
mula sa kanyang possession ang isang last two receipt at iba pang mga illegal
gambling paraphernalia’s at P200.
(Kabacan,
North Cotabato/June 15, 2012) ---Patay on the spot ang isang 21-anyos na
tricycle driver makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang salarin sa Rizal
St., Poblacion, Kabacan, Cotabato partikular sa overpass na nasa National
Highway alas 9:36 kagabi.
Kinilala
ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Jimmy Alay,
tricycle driver at residente ng Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga ng bayang ito.
(Kabacan,
North Cotabato/June 14, 2012) ---Huli ng Kabacan PNP sa isinagawa nilang kapkap
bakal sa mga video K Houses na nasa Poblacion, Kabacan, Cotabato ang isang
Johny Berdin Ligan na may dalang kalibre
.45 na pistol alas 10:50 kagabi. Bigo
umanong makapag-presinta si Ligan ng mga kaukulang dokumento hinggil sa kanyang
dinadalang baril na may 11 mga live ammos.
(Kabacan,
North Cotabato/June 14, 2012) ---Huli ng mga otoridad sa aktong naghihithit ng
illegal na droga ang tatlo katao sa loob ng Pulido’s Video K House, na nasa
Rizal Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato dakong alas 10:30 kagabi.
Nanguna
sa pag-aresto si Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP sa mga nag-po-pot
session na sina Kristoffer Delarea, Mano Pangilan Benito at Chaldemie Garido
Laurente.
(Kabacan, North Cotabato/June 14, 2012) ---Palutang-lutang
sa Pulangi river na nasa Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato ang
bangkay ng isang babae ng matagpuan ng mga residente doon alas 2:30 kahapon ng
hapon.
(Cotabato city/June 13, 2012) ---Sa ikatlong
pagkakataon, naiuwi ng SOCCSKARGEN
Region ang Red Orchid Award ng DOH Center for health development na siyang
nagtakda sa rehiyon na mapabilang sa hall of fame ng Department of Health.
Ang Red Orchid Awards ay ang paghahanap ng
mga 100 % tobacco free centers dito sa bansa.
(Kabacan, North Cotabato/June 13, 2012) ---Patuloy
ang pagtutok ngayon ng MSWDO Kabacan sa kaso ng dalawang bata na diumano’y
ginagamit ng notorious drug courier sa pagtutulak ng illegal na droga,
partikular na ang shabu.
Ayon kay MSWD Officer Susan Macalipat,
patuloy ngayon ang ginagawa nilang adbokasiya partikular na sa mga bata hinggil
sa masamang maidudulot ng illegal na droga sa tao.
(Carmen, North Cotabato/June 13, 2012) ---Timbog
ang isang Erik Misa, 34 walang asawa at residente ng Brgy. Malapag sa bayan ng
Carmen, North Cotabato matapos na makita sa mismong minamaneho nitong
motorsiklo ang mga illegal gambling paraphernalia’s nitong Lunes.
Na-intercept si Misa sa isinagawang check
point operations na pinangungunahan ni Police Inspector Generoso Tayo sa
PNP/AFP detachment na makikita sa brgy. Tacupan ng nabanggit na bayan habang
ipinapatupad nila ang “No helmet No Travel Policy”.
(Kabacan, Cotabato/June 14, 2012)
---Dead on Arrival sa Kabacan Medical Specialist ang municipal planning and
development officer (MPDO) ng bayan ng Datu Montawal sa lalawigan ng
Maguindanao nang barilin ng di kilalang mga suspect sa national highway ng
Kabacan, North Cotabato, alas 4:30 ng hapon, kahapon.
Kinilala ni Supt. Raul Supiter, hepe
ng Kabacan PNP, ang biktima na si Engineer Ronald Bantiding, 39, ang MPDO ng Montawal
LGU at residente ng Barangay Banawag, Kabacan.
(Kabacan, North Cotabato/June 13, 2012) ---Kritikal
ang isang Municipal Engineer ng Bulit, Pagalungan, Maguindanao makaraang
pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga salarin gamit ang di pa matukoy na
urio ng armas alas 4:30 ngayong hapon lamang sa nabanggit na lugar.
(Tulunan, North Cotabato/June 13, 2012) ---Sinalakay
ng mga di pa mabilang na mga grupo ng Armed Lawless group ang Brgy. Popoyun,
Tulunan, Cotabato alas 7:30 kahapon ng umaga.
(Kabacan, North Cotabato/June 12, 2012) ---Sugatan
ang isang punong guro ng tunggol elementary school ng barilin ng di pa
nakilalang mga salarin gamit ang di pa matukoy na uri ng armas alas 7:00 kagabi
habang bumibiyahe galing ng national highway papasok ng aglipay st., Poblacion,
Kabacan.
(USM, Kabacan, North Cotabato) ---Isinusulong
ngayon ng ginagawang pananaliksik ng apat na mga malalaking state universities
sa Mindanao ang responsableng pagmimina na sumasakop sa tatlong Rehiyon sa
Mindanao na kinabibilangan ng Region X, XII at Caraga.
Ayon sa report ang natukoy na mga rehiyon ay
may malaking potensiyal na mapagkukunan ng ginto.
Bagama’t di pa pinal ang nasabing proposal,
nabatid mula kay Co-Project leader Prof. Estrella Dela Cruz, chairperson ng
Chemistry Dept., USM na malaki ang maimbag ng kanilang pananaliksik hinggil sa
tamang proseso sa pagkuha ng ginto ng mga small scale miners upang di masira
ang kalikasan.
(Kabacan, North Cotabato/June 12,
2012) ---Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawang mga minor de edad
na mga bata makaraang mahuling nagbebenta ng illegal na droga, partikular na ng
shabu sa Quirino St., Poblacion, Kabacan.
P/Supt. Raul Supiter, Chief of Police
Ayon kay Supt. Raul Supiter, hepe ng
Kabacan PNP mismong ang mga magulang ng mga bata ang nag-utos sa kanila na
ibenta ang nasabing droga.
Isinailalim na ngayon sa pangangalaga
ng WCPD at MSWDO Kabacan ang dalawang mga bata.
(Kabacan, North Cotabato/June 12, 2012) ---Hanggang
sa mga oras na ito, walang pa ring mga kamag-anak ang pumunta upang kilalanin
ang salvage victim na itinapon sa taniman sa palayan sa may sitio Malabuaya,
Brgy. kayaga, Kabacan, Cotabato.
(Kabacan, North Cotabato/June 12,
2012) ---Noon pang Mayo a-28 sinimulang inilagay sa Rizal Park ng Municipal
compound ng Kabacan ang Pambansang watawat ng Pilipinas, bilang paghahanda sa
gagawing selebrasyon ng ika isang daan at labing apat na taong paggunita ng
araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Kaugnay nito, gagawing ngayong umaga
ang programa hinggil sa ika- isangdaan at labing apat na taong selebrasyon ng
Independence day na isasagawa mamayang alas 7:00 sa Municipal Plaza.
(Carmen, North Cotabato/June 11, 2012) ---Nasabat
ng patrol team ng Carmen PNP ang mga sako-sakong agri farm products na sakay sa
isang tricycle sa Brgy. Poblacion, Carmen, North Cotabato alas 2:00 ng hapon
nitong Sabado.
Batay sa report ng Carmen PNP sa pamumuno ni
P/Chief Inps. Jordine Maribojo nabatid sa inisyal na pagsisiyasat lulan ng
nasabing kulay pula na Bajaj tricycle na may plate number MX 1379 ang apat na
sako ng mais na ninakaw umano ng driver na nakilalang si Ronie Isongga, 27 at
ang kasama nitong nakilalang si Bernardo Sibonga, 25 kapwa residente ng brgy.
Ugalingan ng nabanggit na bayan.
(Carmen, North Cotabato/June 11, 2012) ---Kalaboso
sa Carmen Lock-up cell ang isang 29 na taong gulang na lalaki dahil sa
kinakaharap nitong kasong panggagahasa.
Kinilala ni P/Chief Inps. Jordine Maribojo,
hepe ng Carmen PNP ang inaresto na si Ronald Sabaysabay Mahinay, may asawa at
residente ng Sitio Menline, Brgy. Liliongan bayan ng Carmen, North Cotabato.
(Kabacan,
North Cotabato/June 11, 2012) ---Tumaas ang lebel ng tubig ngayong umaga sa Kabacan
river na siyang binabantayan ngayon ng mga otoridad dahil sa posibleng pag-apaw
pa nito.
Una
rito binaha rin ang ilang mga pangunahing kalye ng Poblacion Kabacan kagabi
matapos na bumuhos ang malakas na ulan.
(Kidapawan City/June
11, 2012) ---Tuluyan ng ibinasura ng Commission on Elections o Comelec 1st
division ang kasong isinampa ni dating Vice Governor Emmanuel Pinol laban kay
Cotabato Governor Emmylou Lala Talino Mendoza.
Sinasabing nadismiss
ang election protest na isinampa ni Pinol kontra Mendoza dahil sa lack of
merit, batay sa 14 na pahinang inisyu ng Comelec nitong ika-7 ng Hunyo, 2012.
(Kabacan, North Cotabato/ April 16, 2014) ---Ilang linggo bago ang paggunita ng mahal na araw at buong selebrasyon ng Semana Santa ay nakal...
DXVL 94.9Mhz KOOL FM
DXVL Kool FM, 94.9 MHz is an affiliate of the state-run Radyo ng Bayan Network of the Philippine Broadcasting Service (PBS). Its broadcast studios and transmitter is situated at CAS Bldg. University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato, Philippines.