![]() |
| Photo by: Ralph Ryan Rafael |
Pinangunahan ni Cotabato
Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang pagpapasinaya ng Historical Marker
sa nasabing lugar.
Pikit na itinayo pa ng mga mananakop na Espanyol
noong taong 1893 kungsaan ginamit din ito ng mga Hapon bilang garrison noong
ikalawang digmaang pandaigdig at naging
kampo din ng Amerikano.
Sa isang press
conference na pinangunahan ni Media News Bureau Boy Manangquil, sinabi pa ng
gobernador ng Hilagang Cotabato na panatilihin nilang i-preserba ang anyo ng
nasabing lugar bagama’t may mga nakahanda silang rehabilitasyon sa nasabing
historical Landmarks.
Ang pagpapasinaya
kahapon ng umaga, ay pinangunahan din ni National Historical
Commission of the Philippines o NHCCP Executive Director Ludovico Badoy, narito
ang bahagi ng kanyang naging deklarasyon:
Samantala, ikinagalak naman ni Pikit Mayor Sultan Sumulong ang
pangtanggap ng plake ng Panandang Pangkasaysayan ng “Fort Pikit”.
Ang NHCP ay ang ahensiya ng pamahalaan na naatasan upang maisulong
at mapanatili ang sa kasaysayan at pamana sa pamamagitan ng pananaliksik,
pagpapakalat ng impormasyon, konserbasyon, kabilang ang pagmamarkam, pamamahala
at pagpapanatili ng mga makasaysayang mga istraktura ng bansa. (Rhoderick
Beñez)



0 comments:
Mag-post ng isang Komento