Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaking wanted sa kasong rape; arestado ng Carmen PNP

(Carmen, North Cotabato/June 11, 2012) ---Kalaboso sa Carmen Lock-up cell ang isang 29 na taong gulang na lalaki dahil sa kinakaharap nitong kasong panggagahasa.


Kinilala ni P/Chief Inps. Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP ang inaresto na si Ronald Sabaysabay Mahinay, may asawa at residente ng Sitio Menline, Brgy. Liliongan bayan ng Carmen, North Cotabato.

Inaresto ang suspek batay sa warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 22, Kabacan dahil sa kasong rape na may docketed case number 05-375.

Ang nasabing suspek ay matagal na umanong nagtatago sa batas pero nahuli ito sa mismong bahay niya alas 8:00 ng gabi nitong Sabado dahil na rin sa isinagawang close surveillance ng itinatatag na bagong tracking team ng Carmen PNP na pinamumunuan ni SPO2 Flet Jacinto.

sa ngayon pansamantala munang nasa kustodiya ng Carmen PNP ang suspek habang inaayos ang kasong kakaharapin nito. (Rhoderick Benez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento