Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay ng babae natagpuang palutang-lutang sa ilog ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/June 14, 2012) ---Palutang-lutang sa Pulangi river na nasa Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato ang bangkay ng isang babae ng matagpuan ng mga residente doon alas 2:30 kahapon ng hapon.

Ayon kay P03 Richard Lagutang, imbestigador ng Kabacan PNP ang nasabing bangkay ng babae na di pa nakilala ay nasa edad 35-40 na taong gulang at may taas na 4’10 hanggang 5’.

Batay sa paglalarawan ng opisyal half naked ang nasabing biktima walang damit sa itaas at nakasuot ng kulay asul na short ng matagpuan nina Eddie buat, 45 at Kons Cambang, 43 kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Nagtamo ang biktima ng pasa sa ulo partikular sa mga mata nito na posibleng naging dahilan ng pagkamatay niya, ayon kay Lagutang.

Hindi pa mabatid ng mga otoridad kung nalunod ang biktima.

Sa ngayon panawagan ng Kabacan PNP sa publiko na kung may kamag-anak kayong nawawala o di pa naka-uwi maari makipag-ugnayan sa Kabacan PNP para sa pagkakakilanlan ng nasabing biktima.

Sa ngayon ang mga labi ng nasabing biktima ay nasa Villa Jusa Funeral Homes na nasa Brgy. Osias, Kabacan. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento