Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lolo kritikal matapos pagbabarilin sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ December 3, 2012) ---Kritikal ang isang 72-taong gulang na lolo makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng armas alas 7:00 ng gabi noong Biyernes sa Purok Kweba, Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Sabo Enok Y Tari, 75, may asawa, magsasakawa at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na pagsisisyasat ng mga otoridad lumalabas na papauwi na si Tari buhat sa bahay ng kanyang anak na babae 150 metro ang ng ito ay pagbabarilin ng suspek na nagtatago sa madilim na lugar.

Nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang tama ng bala sa kanan at kaliwang bahagi ng kanyang kamay pati sa paa.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa USM Hospital, para mabigyan ng medikal na atensiyon.

Agad namang umiskapo papalayo sa di malamang direksiyon ang suspek matapos ang insedente.

Personal grudge ang isa sa tinitingnang motibo ng mga otoridad sa nasabing pamamaril sa lugar. (Rhoderick Beñez)





0 comments:

Mag-post ng isang Komento