Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P300K, naiwang danyos sa nangyaring sunog sa isang Fast Food Chain sa Kabacan

Photo by: Brex Bryan Nicolas, DXVL News
(Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2015) ---Nasa P320,000.00 ang naitalang pinsala matapos na masunog ang Pong’s Pritong Manok na nasa Rizal Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato pasado alas 8:00 kahapon ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon na napabayaang kumukulong mantika ang pinagmulan ng apoy.

Batay sa ulat, habang nagpapakulo ng mantika ang kanilang taga-luto para mag-prito sana ay may panibagong utos naman na ipinagagawa ang may ari, bagay namang nakaligtaan na nila ang pinakuluang mantika.

Dahil sa malapit lang sa pader ang pinaglutuan mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa umabot ito sa kanilang kisame at naabot ang junction box na ginawa ng kanilang electrician.
Kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Isa pa sa nagpatindi ng sunog ay dahil sa hindi marunong gumamit ng fire fighting device ang mga empleyado ng Pong’s Pritong manok.


Mabilis namang rumesponde ang kagawad ng pamatay apoy at agad na naapula ito sa loob ng 15 minuto. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento