Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Karnaper ng trycicle sa bayan ng Kabacan, kalaboso sa hot pursuit operation ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ June 16, 2015) ---Kalaboso sa isinagawang hot pursuit operation ang isang carnapper sa bayan ng Datu Montawal sa lalawigan ng Maguiundanao kamakalawa.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero sa panayam ng DXVL News Team, kinilala nito ang suspek na isang Esmael Panangilan, 27 anyos, binata at residente ng Brgy. Inog-og, Pagalungan, Maguindanao.


Anya, nakatanggap umano sila ng report mula sa isang Dante Mangasar Jr., 32 anyos, may-asawa, isang trycicle driver at residente ng  Malvar Street Poblacion, Kabacan, Cotabato na pwersahan umanong kinuha ng nasabing suspek ang kanyang minamanehong trycicle na isang Kawasaki Bajaj na motorsiklo, kulay pula, may plakang 3422MV na nakarehistro sa pangalan ng isang Estefano Raquel sa Lapu-lapu Street, Purok Crislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:45 ng umaga ng kapareho ring araw.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagpahatid umano ang suspek sa nasabing lugar ng bigla nalang nitong tinutukan ng kutsilyo ang biktima.

Dahil sa takot ay tumakbo nalang ang biktima habang tinangay naman ng suspek ang tycicle at tumakas sa direksyon papuntang bayan ng Datu Montawal.

Agad nagsagawa ng pursuit operation operation ang Kabacan PNP na nagreslta sa paghadarakip ng suspek. Positibo namang kinilala ng biktima ang suspek.

Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang kutsilyong pinananiniwalaang ginamit nitong pantutok sa biktima.


Sa ngayon ay naghihimas ng malamig na rehas na bakal sa Kabacan PNP Lock-up-cell ang suspek habang nahaharap naman sa kasong carnapping. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento