Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Detachment ng Sundalo, inatake ng BIFF sa Maguindanao

(Datu Piang, Maguindanao/October 1, 2013) ---Muling sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at ng tropa ng mga sundalo sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao alas 9:30 nitong Lunes.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army, Spokesman Colonel Dickson Hermoso pinasok ng mga rebeldeng grupo ang Brgy Madtalbayog, Brgy Glaci, Brgy Magaslong at Brgy Gumbay sa nasabing bayan kung saan inatake ng mga rebelde ang posisyon ng 45th Infantry Battalion Phil. Army at mga tauhan ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu).


Dahil sa tindi ng bakbakan nagsitakbuhan ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas ng lugar.

Karamihan sa mga nagsilikas ay pumasok sa Notre Dame High School, Municipal Gym at simbahang katoliko.

Napasok na rin ng BIFF ang Poblacion proper kaya nahihirapan ang militar at pulisya sa seguridad ng mga sibilyan.

Ngunit ayon kay Colonel Hermoso dakong alas 4:20 ng madaling araw ay umatras ang mga rebelde.

Walang nasugatan at nasawi sa panig ng militar at Cafgu habang di matiyak sa BIFF.

Sa kasalukuyan ay patuloy na tinutugis ng militar at pulisya ang papatakas na BIFF. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento