Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Labi ng sundalong nasawi sa Zambo, dumating na

(Amas, Kidapawan City/ September 29, 2013) ---Dumating na kahapon sa Arakan, North Cotabato ang mga labi ni Marine Private First Class Fren Parenyas, isa sa mga sundalong nasawi sa bakbakan ng mga sundalo at miyembro ng Moro National Liberation Front Misuari faction sa Zamboanga City.

Ayon sa ama ng biktima na si Rene Parenyas, nakapag-text pa raw ang kanyang anak na nasa maayos itong kalagayan at nagpaalam na may clearing operations sila.

Kaya’t laking gulat ng pamilya nang mag-text ang tiyuhin nito na sundalo na patay na si Pfc. Parenyas.


Ang bangkay ni Pfc. Parenyas ay lumapag sa Awang Airport, Cotabato City at mula rito sinundo ito ng kanyang pamilya sa Amas Capitol Complex sa Amas, Kidapawan City.


Si Pfc. Parenyas ay limang taon pa lamang na nanunungkulan sa Philippine Marines at nakadestino sa Maynila.


Nagtungo ito sa Zamboanga City bilang bahagi ng reinforcement team upang supilin ang gulo sa lungsod. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento