Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

64th Founding Anniversary ng bayan ng Pikit, ipinagdiwang

(Pikit, North Cotabato/ September 30, 2013) ---Pinangunahan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang ika-64 na taong anibersaryo ng bayan ng Pikit, kahapon.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ng opisyal ang temang “Pikit ating Mahalin at Arugain”.

Naging mainit naman ang pagtanggap ng mamamayan ng Pikit sa pamumuno ni Mayor Muhyrin Sultan Casi sa gobernador.

Ang programa ay dinaluhan ng mga Municipal Official, Brgy. Official kasama na ang mga bisita at ng mga Pikitenos.

Iba’t-ibang mga programa naman ang isinagawa sa nasabing fiesta kungsaan highlight kagabi ang Mutya ng Pikit 2013.

Itinanghal naman bilang Binibining Pikit 2013 Goodwill si Ms. Poblador, Binibining Pikit 2013 Tourism si Ms. Basiao at Binibining Pikit 2013 Peace and Order Development si Ms. Santillan.

Isinagawa naman ang grand parade kahapon sa mga pangunahing kalye ng Poblacion sa bayan ng Pikit.

Nanging maayos at mapayapa naman sa kabuuan ang fiesta ng bayan ng Pikit. Rhoderick Beñez/DXVL NEWS


0 comments:

Mag-post ng isang Komento