Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM nakakuha ng 18 gold medals sa katatapos na Mascuf


(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 6, 2012) ---Kampeon ang Volleyball Women, Softball Women at Taekwondo ng University of Southern Mindanao sa katatapos na Mindanao Association of State Colleges and Universities Foundation o MASCUF na ginanap sa Central State University o CMU at Bukidnon State University sa lalawigan ng Bukidnon.  
                                                 
Ayon kay ISPEAR Director Prof. Flora Mae Garcia, nasa rank 2 ang USM sa Socio-Cultural habang nasa rank 5 naman sa Sports.  
                                                                     
Abot sa 18 mga gold medals ang nakuha ng USM sa Sports, 19 sa silver at 8 Bronze medal habang sa Socio cultural naman nakuha ng USM ang apat na gold habang 1 sa Silver at 2 ang 4th place.  
                                                                                   
Ang mga socio cultural gold medalist ay kakatawan sa 5th PASUC cultural Festival sa December 12-14 sa Philippine Normal University sa Manila. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento