Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Babae na lumulutang-lutang sa Pulangi river; kinilala na

(Kabacan, Cotabato/June 15, 2012) ---Kinilala na ng kanyang kamag-anak ang bangkay na nakitang lumulutang-lutang kahapon sa Pulangi river na nasa Sitio Lumayong brgy, Kayaga, Kabacan, Cotabato.


Mismong ang kanyang kapatid na lalaki na si Joel Coquilla Ybaya ang kumilala sa biktima na si Virginia Coquilla Ybaya, 42 na residente ng Mascariñas, Kibawe, Bukidnon.

Ayon sa kapatid nito, posible umanong inatake ng kanyang sakit na epilepsy ang biktima habang naglalaba sa ilog dahilan kung bakit ito nalunod sa nasabing ilog ay umabot na ditto sa ilog ng Lumayong.

Ala 1:10 kahapon ng madaling araw ng puntahan ng kanyang kamag-anak ang labi nito sa Villa Jusa Funeral Homes at ibiniyahe na ang mga labi nito kahapon.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento