Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Binatilyong binaril sa Kabacan, Cotabato mistaken identity lamang ---Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/June 17, 2012) ---Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng otoridad na mistaken identity lamang ang pagkakabaril sa isang 21-anyos na tricycle driver na nakilalang si Jimmy Alay, residente ng Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan, cotabato. 


Ayon sa Kabacan PNP, inutusan lamang umano ang binata na bumili ng pagkain at iba pang mga gamit upang dalhin sa Davao city kaya ng parahin umano ng suspek ay huminto ang biktima kaya agad na binaril ito sa ulo na nagging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Kaugnay nito, patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Kabacan PNP sa nasabing insedente kung maalala ito na ang ika-limang kaso ng shooting incident ngayong buwang ito.

Sa kaso ng mga pamamaril sa Kabacan ngayong buwang ito ni isa wala pang naresolba ang otoridad.

Ito na ang ika-limang shooting incident na naganap sa loob ng dalawang linggo ngayong buwang ito lamang. (Rhoderick Beñez)
 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento