Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan PNP, naka-alerto sa posibleng pagresbak ng mga kasamahan ng nahuling notorious kriminal

(Kabacan, North Cotabato/June 22, 2012) ---Naka-alerto na ngayon ang Kabacan PNP sa posibleng pag-resbak ng mga kasamahan ng nahuling notorious criminal na nagsasagawa ng mga panghohold-up sa bayan ng Kabacan at kalapit lugar na si Anwar Dagem.


Ayon kay Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP may ilan umanong mga armadong grupo ang umaaligid sa paligid ng himpilan ng pulisya simula pa nitong nakaraang gabi.

Batid ng opisyal na planu umano nilang i-rescue ang kanilang kasamahan na ngayon ay nakakulong sa Kabacan loc-up cell.

Kahapon, isinampana na ng Kabacan PNP ang kasong possession of illegal fire arms at ammunitions kontra kay Dagem, habang patuloy namang iniimbestigahan ang suspek sa iba pang mga krimen na sangkot siya, ayon kay Supiter.

Ang suspek ay na timbog ng pinagsanib na pwersa ng Cotabato Police Public Safety company na pinangungunahan ni Supt. Alex Tagum at ng Kabacan PNP noong Lunes sa Brgy. Magatos habang nakatakas naman ang ilan pang mga kasamahan nito. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento