Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang brgy sa bayan ng tulunan, North Cotabato; nagging tensiyunado matapos sinalakay ng mga armadong grupo

(Tulunan, North Cotabato/June 13, 2012) ---Sinalakay ng mga di pa mabilang na mga grupo ng Armed Lawless group ang Brgy. Popoyun, Tulunan, Cotabato alas 7:30 kahapon ng umaga.

Sa report ng 602nd Brigade Philippine Army, agad na nagsilikas ang mga apektadong pamilya matapos na maipit sa nasabing kaguluhan habang iniwan ng mga ito ang kanilang mga alagang hayop at mga sakahan.  
                                                                                    
Ayon sa report, gumanti sa nasabing pagsalakay ang mga CVO’s ng nasabing brgy na nagresulta ng 15 minutong palitan ng putok sa magkabilang panig.
                                      
Agad namang umatras ang mga kalaban kungsaan nagsagawa naman ng PNP tulunan at mga CVO’s ang pursuit operation na nagresulta sa pagkakarekober ng tatlong mga indibidual na sinasabing ginawang human shields ng mga armadong grupo.    
                                          
Agad namang ikinasa ng otoridad ang active defense sa apektadong lugar, inaalam pa kung anu ang dahilan ng nasabing pagsalakay. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento