Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Shooting incident sa Kabacan, Cotabato, 3 sugatan

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 13, 2014) ---Patuloy pa ngayong nagpapagaling ang 3 katao matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang mga suspek sa Purok 7, BLISS site, Brgy. Katidtuan Kabacan, Cotabato alas 6:30 ng gabi Okrobre a-10 nong biyernes.

Kinilala ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Hermis Detarino, 44 anyos at Leah Mae Detarino, 21 anyos, mag asawa na pawang mga residente ng nasabing barangay at isang Rohito Holog, bayaw ng mag asawa, 19 anyos, binata at residente ng Carmen, Cotabato.


Ayon sa report, naghahapunan ang tatlong mga biktima sa loob ng kanilang Nipa nang sumulpot ang di nakikilalang mga suspek  at pinagbabaril ang mga ito.

Nagtamo ng isang tama sa kanang binti si Hermis at nagtamo naman isang tama sa kanang tuhod ang asawa nito at tigitigisang tama naman sa kaliwa at kanang binti ang bayaw nitong si Rosito.

Narekober naman sa Crime Scene ang dalawang empty shell ng Kalibre 45 na pistola.

Agad namang isinugod sa bahay pagamutan ang mga biktima.

Patuloy pa ngayong imbestigahan ng Kabacan PNP ang nasabing insidente.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento