Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

4 katao, Sugatan sa Vehicular Accident sa Kidapawan City, patuloy na nagpapagaling

Mark Anthony Pispis

(Kidapawan city/ October 8, 2014) ---Kasalukuyan ngayong nagpapagaling ang apat kataong sugatan kasama ang drayber sa nangyaring vehicular accident sa waiting shed sa Brgy. Mateo, Kidapawan City nitong Biyernes.

Ayon sa mga residente na nakakita sa pangyayari na nakapanayam ng DXVL Team, nawalan umano ng kontrol ang drayber ng isang Ford Ranger na for resistration ang plaka na pagmamay ari ng isang Joselito Mercado na Contractor ng JARGON Construction habang
binabaybay ang daang Magpet to Kidapawan main road sa parting madulas na tulay sa nasabing Barangay at mabunnggo nito ang isang waiting shed na malapit doon.

Nagkataon naman na nanduon sa waiting shed ang tatlong mga biktima na hindi pa nakikilala.


Sinagot naman umano ng may ari ng sasakyan ang gastos sa pagpapagamot ng mga biktima at pati narin ang pagpapatayo ng nasabing waiting shed.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento